MAS papaigtingin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga programa para sa “Safer Internet Day for Children Philippines” ngayong taon.
Gaganapin ang programa sa ikalawang linggo ng Pebrero at mayroong temang “Bagong Normal: Ligtas na Internet for All”.
Target na talakayin sa naturang event ang pagsulong sa kamalayan at pag-unawa ng publiko hinggil sa pagsisikap at mga inisyatibo ng pamahalaan laban sa anti-child pornography at child online protection.
Kabilang din nakalinyang aktibidad ay ang presentasyon ng bagong pinirmahang Child Online Safe Guarding Policy sa ilalim ng RA 10929 o ang Free Internet Access in Public Spaces Act.
Noong Pebrero 2018 nang isabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara sa ikalawang Martes ng Peberero bilang Safer Internet Day for Children Philippines.