NILAGDAAN ng Department of Trade and Industry (DTI) at TikTok shop ang isang Memorandum of Understanding (MOU) upang bigyan ng kasangkapan at kasanayan ang Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs).
Itoy upang mapalakas ang kanilang digital presence sa pamamagitan ng digital content, live selling, at iba pang mga E-Commerce strategy.
Ang pagsasanay at mentoring para sa mga MSME ay isasagawa naman sa Metro Manila, Pampanga, Cebu, at Davao.
Nilagdaan ang MOU noong March 28, 2025 sa one town one product retail and learning center ng DTI, sa Makati City kasabay ng paglulunsad ng Unlad Lokal Program.