MULING pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumer na huwag basta-basta maniwala sa mga phone scam.
Ayon sa DTI, dumadami na ang mga scam na kumakalat mapa-text o tawag, kasama na rito ang pagpapanggap na may delivery.
Paalala ng DTI, huwag tumugon o i-click ang mga ipinadalang link na nagmula sa mga tao na hindi kilala.
Dahil maaaring ang mga ito ay gumagamit lamang ng pangalan ng kilalang organisasyon.
At huwag agad ibigay ang personal na impormasyon.
Pagbibigay-diin ng DTI, kung sakaling ikaw ay biktima ng phone scams, agad itong ipagbigay-alam sa mga otoridad.