TINANGGAL bilang miyembro ng National Unity Party (NUP) si House Deputy Speaker at Cebu Representative Duke Frasco.
Dahil ito sa kaniyang pagtangging pumirma sa Manifesto of Support para kay House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Frasco, ang desisyon niyang huwag pumirma ay bunga ng kaniyang mga konsultasyon sa mga lokal na lider sa Visayas at Mindanao na hindi na kontento sa pamamalakad ni Romualdez sa Kamara.
Binatikos din ni Frasco ang agarang pamumudmod ng manifesto sa mga bagong kongresista ilang araw lang pagkatapos ng eleksiyon.
Samantala, naniniwala ang ilang analysts na may malakas na suporta sa Kamara ang galaw ni Frasco dahil kilala ang pamilya nito sa Cebu sa larangan ng politika.