HINDI pa muling makababalik ang Brooklyn Nets star na si Kevin Durant sa loob ng court ng panibagong 2 linggo matapos itong magtamo ng knee injury bagaman mayroon na itong improvement sa kanyang rehabilitation.
Ito ay ayon mismo sa management ng Nets at sinabing inaasahan ding magbabalik si Durant ngayong linggo para sa light training at muli itong sasalang sa evaluation matapos ang 2 linggo.
Matatandaan na nagtamo si Kevin Durant ng MCL sprain sa kanang kanang tuhod sa laro ng Brooklyn laban sa Miami Heat noong January 8.
Nakapagtala naman ang Brooklyn ng 4 na talo sa 6 nitong laro simula nang magtamo ng injury si Durant ngayong buwan.