Steve Nash ng Brooklyn Nets, tinanggal na bilang head coach

Steve Nash ng Brooklyn Nets, tinanggal na bilang head coach

TINANGGAL na bilang head coach ng Brooklyn Nets si Steve Nash matapos ang hindi magandang pagsisimula ng koponan sa NBA season ngayong taon.

Pagliliwanag ni Brooklyn Nets General Manager Sean Marks, mahirap na desisyon ang pagtanggal kay Nash subalit nakikita nilang mas maganda kung magkaroon ng kunting pagbabago ang koponan bunsod ng sunod-sunod na pagkatalo nito.

Pinasalamatan naman ni Marks si Nash sa pagiging head coach ng Nets sa loob ng dalawang seasons.

Si Nash ay isang Hall-of-Famer, Two-Time NBA MVP at nagsimula ito bilang Nets coach noong September 2020.

Follow SMNI NEWS in Twitter