Duterte, pag-iibayuhin pa ang serbisyo publiko sa kanyang natitirang termino

Duterte, pag-iibayuhin pa ang serbisyo publiko sa kanyang natitirang termino

SA natitirang panahon ng kanyang termino, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy niya ang pagbibigay serbisyo sa mamamayang Pilipino hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Tiniyak ng Malakanyang na palaging nasa ‘best interest’ ng Administrasyong Duterte ang paghahatid-serbisyo sa publiko.

Ito ay kahit pa sa nalalabing panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ipagpapatuloy ng punong-ehekutibo ang mga magagandang programa na nasimulan ng administrasyon.

Ang pangakong pagsusumikap pa ng Duterte Administration hanggang Hunyo ay bilang tugon sa mga Pilipinong patuloy ding nagpapakita ng suporta sa gobyerno.

Kaugnay dito, pinasalamatan ng Palasyo ang mamamayang Pilipino sa pagbibigay kay Pangulong Duterte ng “very good” net satisfaction rating na positive 60, base sa December 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Giit ni CabSec Nograles, walang kahalintulad ang naging performance ni Pangulong Duterte ikumpara sa mga nagdaang presidente, kahit sa bandang huling termino nito.

“Si Pangulong Duterte po – kung hindi ako nagkakamali – ang highest net satisfaction rating. Ito iyong December 2021, so ipagpalagay na natin six months to go before the end of his term, ganito po kataas ang net satisfaction rating ng ating mahal na Pangulo,” pahayag ni Nograles.

Ilan sa naging legasiya ni Pangulong Duterte, saysay ng Palace official, ang pagkakaloob ng libreng irrigation system, libreng higher and technical education, at libreng college tuition.

Isinakatuparan din ng Chief Executive ang kanyang mga pangako noong 2016 elections.

Naging sinsero si Pangulong Duterte sa pagbibigay solusyon sa major problems ng bansa gaya ng kriminalidad, ilegal na droga, korupsyon, insurhensiya maging sa isyu ng peace and order at iba pa.

Sa ilalim din ng Administrasyong Duterte, nagpag-ibayo ang implementasyon ng Universal Health Care system sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Pahayag pa ng Palace official, nariyan palagi ang determinasyon ni Pangulong Duterte na isulong ang mabilis at epektibong mga pagtugon sa gitna ng kinakaharap na health crisis.

Follow SMNI News on Twitter