Duterte, sinagot si Marcos Jr. sa isyu ng ‘secret deal’ sa WPS

Duterte, sinagot si Marcos Jr. sa isyu ng ‘secret deal’ sa WPS

SINAGOT na ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sinasabing secret deal niya sa China hinggil sa West Philippine Sea (WPS) issue.

“I am horrified by the idea that we have compromised in— through a secret agreement, the territory, the sovereignty and sovereign rights of the Philippines,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ‘yan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago tumulak papuntang Amerika para sa US-Japan-PH Trilateral Summit.

Saad ni Pangulong Marcos, kung totoo mang may secret deal si dating Pangulong Duterte sa China para isuko ang ating claim sa WPS ay dapat itong maipaliwanag.

Wala rin aniya siyang alam sa ‘secret deal’ dahil hindi siya na-brief sa isyu nang mag-assume siya bilang Presidente.

“That is something— we still have to clear it up, we are waiting for Ambassador Whang to come back from Beijing na— umalis siya and I asked to see him, baka siguro sa pagbalik na. At ipaliwanag niya, ano ba, sino bang kausap mo? Sino ba talagang kausap mo? Anong pinag-usapan ninyo? Ano’ng pinag-agreehan ninyo? Was this an official thing or was it a personal thing? Ano ba ito?” aniya.

Sinagot naman ni dating Pangulong Duterte ang sinabi ni Marcos nang magpatawag ito ng press conference sa Davao City, Huwebes ng gabi, Abril 11.

“But let me be very clear on this, we have not conceded anything to China. There might have been exchange of control over the China Sea, pero those were really territorial in nature not involving the encroachment of China in our exclusive economic zone, iba ‘yun,” saad ni Dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Naunang sinabi ni Atty. Harry Roque, dating tapagsalita ni Duterte na napagkasunduan nila noon kay Chinese President Xi Jinping ang pagkakaroon ng status quo sa pinag-aagawang teritoryo.

Ibig sabihin, papayagan ang re-supply mission sa Ayungin Shoal basta’t hindi lang magdadala ng repair materials para ayusin ang BRP Sierra Madre.

“The only thing I remember was that status quo, that’s the word na walang galawan, no movement, no arm patrols there, as is where is para walang magkagulo. Hindi tayo magkagulo. ‘Yun ang naalala ko, wala akong… There’s a word, I did not… the Ayungin Shoal,” dagdag ni FPRRD.

Ikinuwento rin ng dating Pangulo ang mga tagpo nang bumisita noon ang kaniyang delegasyon sa China.

At noong harap-harapan niyang iginiit kay President Xi ang claim ng Pilipinas sa WPS.

“Ito ang sagot ni Xi Jinping, “I am afraid you’d gonna do that.” Sabi ko, “Why, Mr. President?” Diniretso ko na siya. “I will get aid from that portion of the Red China Sea that belongs to the Philippines.” Sabi niya, “Please do not do it for the life of me, we are friends and I do not want to destroy that friendship.” “So, what is in your mind, Mr. President?” Sabi niya, “Because it would mean trouble,” ani Dating Pangulong Duterte.

Bilang Pangulo ng bansa, tanging nasa isipan raw noon ni Duterte ang maiiwas sa giyera ang Pilipinas—bagay na ikamamatay ng milyun-milyong Pilipino.

“Ang pagkaintindi ko, pagkasabi niya, “There would be trouble if we insist on our own way there, China will go to war.”

“Of course, we are being oppressed by China. There’s no doubt about it, nobody questions that. Ang problema lang, ang trabaho kasi namin dito as president just like Aquino and all, istorya muna tayo because we cannot afford a war at this time with China,” ayon pa kay FPRRD.

Samantala, kinuwestyon naman ni Duterte ang pagpapabalik-balik ngayon ni Marcos Jr. sa Amerika.

At ang tila pagpapauto nito sa Estados Unidos para painitin lang lalo ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Pagiging malapit ni Marcos Jr. sa US, lubhang peligroso—Duterte

“Alam mo, there is a very dangerous thread, and anybody of you can notice. Bongbong, America has been there for about pabalik-balik siya sa America. Ang Amerikano naman, binibigyan siya ng moral booster, “Sige lumaban ka, wala kang ikatakot,” ani Duterte.

Nagbabala naman ang dating Punong Ehekutibo na maraming bansa ang madadamay pati na ang Pilipinas kung magtatagumpay ang Estados Unidos sa paggamit sa West Philippine Sea issue para sumiklab ang giyera.

“Obliterated lahat ‘yan. Maniwala kayo. Including us. There will be famine and hunger and death. You can ask any professor ninyo sa Physics and they will tell you what would happen to the world. Nobody wins, that is why we navigate through our differences, our nuisances, our everything that is questionable there just by talk,” ayon pa sa Dating Pangulo.

Sa ngayon ay nire-review ni Duterte ang foreign policy ng kaniyang administrasyon.

At nangako ng mas maraming paliwanag sa mga darating na panahon.

Follow SMNI NEWS on Twitter