UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging maganda rin ang resulta ng ikalawang “Bayanihan, Bakunahan” ng pamahalaan.
Ito’y kasunod ng pagiging matagumpay ng unang yugto ng simultaneous vaccination drive kontra COVID-19 sa buong bansa noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3.
Napakalaking ‘achievement’ sa paglaban ng Pilipinas kontra COVID-19 ang naging resulta ng “Bayanihan, Bakunahan” na isinagawa sa buong bansa.
Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang National Vaccination Days.
Iniulat ni pangulong duterte na nakapagturok ang pilipinas ng 10.2 million doses sa ibat ibang bahagi ng bansa sa unang “bayanihan, bakunahan” national vaccination days.
“Iyong bakuna nakita naman ninyo, we were able to administer 10.2 million doses throughout the country from November 29 to December 3, which is a huge achievement in our fight against COVID-19,” pahayag ni Duterte.
Labis naman ang pasasalamat ng Punong Ehekutibo ang mga doktor at iba pang volunteers na nakiisa sa limang araw na nationwide coronavirus vaccination.
“I’d like to thank the doctors, volunteers, and all. Of course, [Health] Secretary [Francisco] Duque and [Vaccine Czar] Secretary [Carlito] Galvez. I thank you on behalf of the Filipino people,” ayon sa Pangulo.
Kasunod nito, umaasa si Pangulong Duterte na magiging matagumpay din ang second round ng National Vaccination Days na gagawin sa Disyembre 15 hanggang 17.
Sot: President rodrigo duterte
“We will have a second round of Bayanihan, Bakunahan from December 15 to 17. I hope that we would have the same success. But this time lesser because parang naubos na natin ang Pilipino sa ‘yung what counts sa bakuna kaya medyo there’s a slowdown of the COVID-19,” ani Pangulo.
Samantala, ikinatuwa rin ng Chief Executive ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Better days ahead because since December 1, we have been on average of 500 to 600 and the number of active cases continues to go down. I’m talking about the COVID. Sa Davao nga last week there’s only one. Very impressive, we continue to see downward trend of the positivity rate, now only less than two percent,” ani Duterte.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na napakalaking tulong ang naiturok na COVID-19 vaccines doon sa pagbaba ng kaso ng coronavirus.
Matatandaang inihayag ng Malakanynag na gumagawa ng mga kapamaraanan ang national government para mapag-ibayo pa ang second phase ng “Bayanihan, Bakunahan” kasama na rito ang pag-a-accommodate ng mga walk-in.
Una na ring hinimok ng Palasyo ang mga LGU na pag-ibayuhin din ang kanilang house-to-house vaccination efforts para sa senior citizens at persons with comorbidities upang makatulong na mas mapabilis pa ang bakunahan kontra COVID-19 sa bansa.