NANAWAGAN si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa publiko na seryosohin ang mga isinasagawang earthquake drill sa bansa.
Ito ay kasunod ng malalakas na pagyanig na nangyari sa Mindanao kabilang ang magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi.
Ayon kay Teodoro, isang buntis ang naiulat na nasawi at may mga pamilya rin na naapektuhan ng malakas na lindol.
Habang patuloy na inaalam ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga sinasabing nasaktan sa pagyanig.
Nauna nang ipinag-utos ni Civil Defense administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno sa kanilang mga opisyal na palakasin ang earthquake preparedness measures.