Eastern at Rain or Shine, panalo sa Tuesday game ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup 2024

Eastern at Rain or Shine, panalo sa Tuesday game ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup 2024

PABOR sa Hong Kong-based basketball team na Eastern ang kanilang naging laban nitong Martes, Disyembre 10, 2024.

Ito’y dahil nanalo ang koponan sa iskor na 84-75 kontra Blackwater Bossing.

Si Chris Mclaughlin ng Eastern ay nag-ambag ng 32 points, 23 rebounds at 3 assists sa game.

Samantala, panalo naman ang Rain or Shine Elasto Painters kontra San Miguel Beermen sa iskor na 107-93.

Para sa Rain or Shine, nag-ambag si Deon Thompson ng 18 points; Adrian Nocum ng 15 points; Caelan Tiongson ng 14 points; at tig-12 points sina Felix Lemetti at Keith Datu.

Habang 10 points mula kay Jhonard Clarito.

Sa nagpapatuloy na elimination round ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup ngayong Disyembre 11, 2024, alas singko ng hapon ang game ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots at TNT Tropang Giga.

Susundan ito ng NLEX Road Warriors at Brgy. Ginebra San Miguel, 7:30 ng gabi.

Sa Ninoy Aquino Stadium isasagawa ang dalawang games.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble