EDSA Carousel Tramo Station, operational na –DOTr

EDSA Carousel Tramo Station, operational na –DOTr

BUKAS na sa publiko ang karagdagang istasyon ng EDSA Carousel kasunod ng inagurasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa Tramo Station sa Pasay City kamakailan.

Layon ng ahensya na mapabuti at maiangat sa international standards ang mga istasyon ng busway sa mga susunod na buwan.

Ito ay upang mas maging kaaya-aya at kumportable para sa lahat.

Katuwang ng DOTr ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng LTFRB, i-ACT, MMDA at DPWH kung saan umabot na sa 17 ang mga bus stop ng EDSA Busway system.

At ito ay nakapagbibigay serbisyo sa mahigit 300,000 na mga pasahero araw-araw.

Follow SMNI News on Twitter