Pastor Apollo C. Quiboloy, muling humiling sa pamahalaan na paigtingin ang NTF-ELCAC

Pastor Apollo C. Quiboloy, muling humiling sa pamahalaan na paigtingin ang NTF-ELCAC

MULING nanawagan si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pamahalaan na paigtingin ang NTF-ELCAC upang tuluyang masugpo ang CPP-NPA-NDF at umunlad na ang ating bansa.

Naniniwala si Pastor Apollo na mas bibilis ang pag-unlad ng ating bansa kung tuluyan nang mawawala ang droga, korupsyon at ang salot na CPP-NPA-NDF.

Dahil dito, hiling ni Pastor Apollo sa pamahalaan na lalo pa sanang paigtingin ang NTF ELCAC dahil ito ang susi upang hindi na makabangon muli ang komunistang teroristang grupo.

‘’Kapag napalakas na muli yan, lalo na kung maibalik ang 20 billion, magsurenderan na yan kase napatotohanan natin yan nang pinirmahan ni Duterte ang NTF-ELCAC, nakita na po ang resulta, napakaganda,’’ ayon kay Pastor Apollo.

Kaugnay nito, muling kinuwesyon ng butihing Pastor ang mga senador na pilit hinaharangan ang pondo ng NTF-ELCAC.

Aniya, walang dignidad at kahiya-hiya ang mga opisyal ng gobyerno na sumusuporta sa CPP-NPA-NDF para lang sa kanilang political career.

‘’Bakit ninyo hinaharangan, kampi kayo sa NPA kayo ay para lang sa inyong political career, hindi ang interest ng Pilipinas ang tinitingnan ninyo kung di pang sariling interes ng inyong politika kaya nagbabayad kayo sa mga ahas na ito. Nakakahiya po kayo pag ganyan kayo,’’ saad ni Pastor Apollo.

Hiling pa ng butihing Pastor.

‘’Sana hindi na kayo manalo sa susunod, sana matalo kayo at hindi na kayo makaupong muli, sana mawala na kayo sa Kongreso at mawala na sa Senado. Happy New Year sa inyo,’’ dagdag nito.

Gayunpaman, pinuri naman ng butihing Pastor ang ilang magigiting at matapat na senador tulad nila Senators Bato dela Rosa, Robin Padilla, Francis Tolentino, at Bong Go dahil sa hayagan nitong pagkundena sa mga komunista.

‘’Kayo ang magigiting na taong inihalal namin upang pangalagaan ang mga interes ng ating bansa at ng ating pamayanan at mga kababayang Pilipino,’’ ani Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter