EJ Obiena nagkamit ng bronze medal sa World Athletics Championships

EJ Obiena nagkamit ng bronze medal sa World Athletics Championships

GUMAWA ng kasaysayan si EJ Obiena nang makuha nito ang bronze medal sa World Athletics Championships sa Hayward Field sa Eugene, Oregon, United States.

Si Obiena ang kauna-unahang Pinoy na nakapasok sa podium sa world championship stage.

Nai-reset ni Obiena ang Asian Record at ang kanyang personal na best sa pamamagitan ng 5.94-meter clearance.

Sinubukan ni Obiena na makamit ang 6.00m ngunit hindi siya pinalad sa kanyang tatlong pagsubok.

Ang 26-anyos na si Obiena ay nasa roll ngayong taon na nanalo ng 6 na gintong medalya.

Follow SMNI NEWS in Twitter