NASUNGKIT muli ang gintong medalya sa Germany ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena.
Sa Netaachen Domspringen Competition, nai-clear ni Obiena ang 5.92 meters kung kaya’t nakuha nito ang kaniyang pangalawang gold medal.
Nauna nang nakakuha si Obiena ng gintong medalya mula sa Istaf noong linggo sa Berlin matapos nai-clear rin nito ang 5.92 meters.
Matatandaang pasok na sa 2024 Paris Olympics si Obiena.
Ito’y matapos nalampasan ni Obiena ang qualifiying mark na 5.82-meter sa Wanda Diamond Leagues Bauhaus Galan meet sa Stockholm, Sweden noong Hulyo.