NASUNGKIT ng Pinoy Olympian pole vaulter na si Ernest John ‘EJ’ Obiena ang gintong medalya sa 25th Asian Athletics Championships na isinagawa nitong Linggo sa Bangkok, Thailand.
Nalampasan din ni Obiena ang naunang rekord niya na 5.71 meters sa Asian Games noong 2018 sa Doha, Qatar matapos makuha ang 8.91 meters ngayong taon.
Aniya, layunin niyang makipagkumpetensiya sa sarili at kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.
Kasabay naman ng iuuwing tagumpay ni Obiena ay ang tagumpay ni Robyn Lauren Brown na nakakuha rin ng ginto sa Women’s 400m hurdles.
Samantala, ito ang unang pagkakataon na mag-uuwi ng gintong medalya ang Pilipinas simula noong 1987 Asian Championships.