EJ Obiena, pasok na sa finals ng 2023 World Athletics Championship

EJ Obiena, pasok na sa finals ng 2023 World Athletics Championship

PASOK na sa finals ang koponan ng Pilipinas sa pole vaulting ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa 2023 World Athletics Championships.

Ito ay matapos ma-clear ni Obiena ang 5.75 meters sa unang attempt pa lamang.

Dahil dito, nakatakdang makipag-compete si Obiena sa darating na Sabado, Agosto 26, 2023 oras sa Budapest, Hungary para sa finals.

Matatandaan na nakuha ni Obiena ang bronze metal noong nakaraang taon sa kaparehong paligsahan.

Si Obiena ang ranked number 2 sa world men’s pole vault ayon sa World Athletics Organization at kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng scholarship mula sa International Athletic Association Federation (IAAF).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble