EJ Obiena, tumanggap ng P10-M cash incentives matapos nasungkit ang gold medal sa Asian Games

EJ Obiena, tumanggap ng P10-M cash incentives matapos nasungkit ang gold medal sa Asian Games

P10-M cash incentives ang tinanggap ni Pole Vault Champion, EJ Obiena mula sa kaniyang Filipino-Chinese benefactors.

Ito ay matapos niyang nasungkit ang gold medal sa 2023 Asian Games sa China.

Tumanggap ang atleta ng P3-M mula sa Chiang Kai Shek College, P5-M mula sa Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, at tig-iisang milyong piso mula kay Carlos Chan at Anson Tan.

Malaking tulong ito ani Obiena para sa kaniyang pag-eensayo para sa Paris Olympics.

Samantala, lilipad patungong Europa si Obiena sa susunod na linggo para maghanda sa darating na 2024 Summer Olympics sa Paris.

Follow SMNI NEWS on Twitter