EJ Obiena, tutok para sa magiging performance sa 2024 Paris Olympics

EJ Obiena, tutok para sa magiging performance sa 2024 Paris Olympics

NAKA-pokus na ngayon para sa kaniyang pagsabak sa 2024 Paris Olympics ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena.

Sa kasalukuyan ay nasa Italy ang atleta para sa kaniyang pagsasanay matapos magkaroon ng off-season training sa Spain.

Ang Paris Olympics ay nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

Kasama ni Obiena na pasok dito para irepresenta ang Pilipinas ay sina boxer Eumir Marcial at ang dalawang gymnasts na sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

Kaugnay rito ay nagpapasalamat na rin si Obiena dahil pinangalanan siya ng Philippine Sportswriter Association (PSA) bilang “Athlete of the Year” para sa taong 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble