Election gun ban violators, higit 2,000 na—PNP

Election gun ban violators, higit 2,000 na—PNP

SUMAMPA na sa 2,032 indibidwal ang mga naaresto sa pagpapatupad ng gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Batay ito sa ulat ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo mula Agosto 28 hanggang Oktubre 30.

Ayon kay Fajardo, nakumpiska ng pulisya sa iba’t ibang checkpoint operations ang 1,540 baril.

Habang 1,701 baril ang isinuko sa awtoridad at 2,357 baril ang idineposito para sa safekeeping.

Ipinaalala ni Fajardo na bagama’t natapos na ang bilangan ng boto at may mga naiproklamang kandidato ay iiral pa rin ang gun ban hanggang Nobyembre 29.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble