LUMAGPAS na ang electricity demand ng Luzon kung ikukumpara noong 2022.
Ayon ito sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa datos, umabot na sa 12,235 megawatts ang power demand sa Luzon.
Mas mataas ito sa 12,113 megawatts noong 2022.
Naniniwala ang Department of Energy (DOE) na aabot pa ang peak demand ngayong 2023 sa 13,125 megawatts.
Samantala, nilinaw ng DOE na hindi pa nangyayari ang inaasahan nilang ‘yellow alert’ para sa posibleng pagnipis ng suplay ng Luzon grid.