BI, nagbabala sa publiko laban sa ‘Love Scam’

BI, nagbabala sa publiko laban sa ‘Love Scam’

NAGBABALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa publiko laban sa ‘Love Scam’ na ginagamit ang pangalan ng ahensiya upang makapangloko ng tao.

Naglabas ng babala ang Immigration matapos na humingi ng tulong ang isang Australian sa ahensiya matapos na umano’ ma-detain ang kaniyang kaibigang Filipina na nag-ngangalang ‘Victoria’ sa Clark International Airport bago ang pagbiyahe nito sa Australia dahil sa pag-smuggle ng 19 kilograms ng alluvial gold bars.

Ang scammer ay nagpadala sa Australian ng larawan ng isang pekeng sulat na naglalaman ng pinekeng pirma ng hepe ng Immigration chief at sinabihan ang biktima na mag-deposito ng $4-K upang makakuha ng ‘ownership certificate’ para dito.

Babala pa ni Tansingco, pare-pareho ang istorya ng mga scammer na ito ngunit sa pagkakataong ito ay target ng mga manggogoyo ang mga foreign national gamit ang mga Filipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter