Elreen Ando, naiuwi ang gintong medalya sa women’s 59kg division

Elreen Ando, naiuwi ang gintong medalya sa women’s 59kg division

NAIUWI ng Pinay weightlifter na si Elreen Ando ang gintong medalya sa women’s 59kg division sa 32nd Southeast Asian Games.

Nakuha ni Ando ang best lift na may total lift na 216kgs, na naging bagong record sa SEA Games.

Nakuha naman ni Suratwadee Yodsarn ng Thailand ang ikalawang puwesto na may total lift na 206kgs at Hoang Thi Duyan ng Vietnam sa ikatlong puwesto na may total lift ng 205kgs.

Ito ang kauna-unahang SEA Games gold medal para kay Ando, ​​na matatandaang nakakuha ng pilak sa 2019 SEA Games sa Manila at muli noong nakaraang taon sa Hanoi.

Samantala, sa medal tally ng SEA Games 2023 ay nasa panlimang puwesto na ang Pilipinas na may kabuuang 204 na medalya kung saan 46 dito ang gold, 72 na silver at 86 na bronze.

Nangunguna naman ngayon ang Vietnam na may 107 na gold; na sinundan ng Thailand na may 91; Indonesia na may 68 at Cambodia na may 65 gold.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter