Elton John, isa na sa mga tinaguriang “EGOT” winners

Elton John, isa na sa mga tinaguriang “EGOT” winners

KASAMA na ngayon sa tinaguriang “EGOT” winners ang British legendary singer na si Elton John.

Kasunod ito sa pagkapanalo niya ng Emmy Award para sa kaniyang “Elton John Live: Farewell from Dodger Stadium” tour.

Ayon sa kaniyang producer na si Ben Winston, hindi nila akalain na makukuha ng British legendary ang Emmy Award lalo na’t huling show na ni Elton sa North America ang naturang Farewell Tour.

Ang EGOT winners ay ang mga mapapalad at magagaling na pangalan sa entertainment industry na nakasungkit na ng apat na parangal mula sa Emmy, Grammy, Oscar, at Tony Awards.

Si Elton na ang ika-19 na EGOT winners kasama sina Rita Moreno, John Gielgud, Audrey Hepburn, Mel Brooks, Whoopi Goldberg, John Legend, Rim Rice, Andrew Lloyd Webber, at Viola Davis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble