HINDI itinuturing na suspek sa pagkamatay sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong ang employer nito.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Paul Raymond Cortes.
Natagpuang wala nang buhay ang hindi pinangalanang OFW sa isang pier sa Hong Kong noong Hulyo 13.
Ani Cortes, wala pang inilabas na opisyal na dahilan ng pagkamatay ng OFW at wala ring nakitang foul play sa insidente.
Patuloy rin aniya ngayon ang isinagawang imbestigasyon ng Hong Kong government at ng kanilang law enforcement authorities katuwang ang gobyerno ng Pilipinas.
Nangako naman ang employer ng nasawing OFW na ibibigay nito ang benepisyo at sahod ng biktima.