Enerhiya mula sa karagatan ng Pilipinas, iminungkahing pag-aralan ni Sec. Juan Ponce Enrile

Enerhiya mula sa karagatan ng Pilipinas, iminungkahing pag-aralan ni Sec. Juan Ponce Enrile

IMINUNGKAHI ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile na dapat pag-aralan ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan ang paglinang sa enerhiya na nagmumula sa karagatan ng bansa.

Sa kanyang programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI News, ipinaliwanag ni Enrile na sakali mang hindi isusulong ang pagtatayo ng nuclear power plant ay mas mainam na ilagay ang pondo para dito sa pag-aaral hinggil sa makukuhang enerhiya mula sa current o sa agos ng tubig-dagat.

Partikular na ipinunto rito ni Enrile ang channel o dagat-lagusan sa pagitan ng Palaui Island at ng mainland ng North Luzon; ang San Bernardino Strait sa South Luzon; at ang karagatan sa bahagi ng Surigao.

Ipinaliwanag din ni Enrile, kung bakit hindi magtatagal ang paggamit ng nuclear power plant.

Kaugnay nito, hinimok ni Enrile ang mga ahensya ng gobyerno partikular na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng National Power Corporation (NAPOCOR) na pag-aralan ang kanyang mungkahi.

 

Follow SMNI News on Twitter