Engrandeng re-enactment ng Battle of Mactan, dinagsa ng publiko

Engrandeng re-enactment ng Battle of Mactan, dinagsa ng publiko

DINUMOG ng maraming tao ang engrandeng selebrasyon ng “Kadaugan sa Mactan” sa Lapu-Lapu City.

Hindi nakahadlang ang mataas na sikat ng araw sa engrandeng selebrasyon ng ika-502 taong ‘Kadaugan sa Mactan’ sa Lapu-Lapu City na matagumpay na naisagawa nitong Abril 27.

Ang taunang kadaugan sa Mactan ay dinagsa ng libu-libong mga taong nais makasaksi sa mga aktibidad na nakapaloob sa selebrasyon lalo na ang re-enactment ng Battle at Mactan na isinagawa sa Liberty Shrine.

Dumalo rin si National Historical Commission of the Philippines Dr. Emmanuel Calairo at iba pang mga bisita.

Inilarawan ni Chan na ang pagkapanalo ni Lapu-Lapu noon ay nagpakita ng tapang at sense of community ng mga Pilipino na makikita sa ugali ng mga Opongan at Pilipino hanggang ngayon.

Tampok din sa naturang selebrasyon ang pagpapakitang gilas ng isang libong eskrimador ng Lapunti Arnis de Abanico na mga mag-aaral mula sa DepEd Lapu-Lapu na may edad na 5-taong gulang hanggang 18-taong gulang.

Nakiisa rin sa naturang presentasyon ang kanilang grandmaster sa arnis na si Antonio Alingasa Sr. na mahigit 90-taong gulang na.

Samantala, sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang tungkulin ay hindi pinalagpas ni Department of Tourism Secretary Maria Christina Garcia-Frasco ang pagdalo sa engrandeng selebrasyon ng ‘Kadaugan sa Mactan’.

“I could not miss the celebration of the ‘Kadaugan sa Mactan’. Today I find myself in the azore waters of Lapu-Lapu City and the Island of Mactan who shores tell a story. The story of a man who arm with a strong sense of identity with pride, conviction, courage, and bravery. Took a stand for his people in the face of insurmountable odds presented a foreign aggressor. The story of Lapu-Lapu,” pahayag ni Tourism Secretary Maria Christina Garcia-Frasco.

Kaugnay nito, binati rin ng kalihim ang pamunuan ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Chan at maybahay nito na si Congreswoman Cindi Chan na siya namang Tourism, Cultural & Historical Affairs Commission Chairman ng lungsod kasama ang iba pang mga opisyales dahil hindi nila pinahintulutang makalimutan ng mga Pilipino ang pinakaunang bayani ng bansa na nagsilbing gate keeper sa pagkakilanlan natin bilang Pilipino.

 “I’m grateful to the city government of Lapu-Lapu for never allowing our youth to forget that guided by the example of courage and bravery of our very first Filipino hero, if we bare within ourselves with strong sense of identity and the refusal to give up in the face of insurmountable difficulty. There is no reason why we should not prevail,” dagdag ni Frasco.

Dagdag pa ng kalihim na ang ganitong aktibidad ay mas lalong makapagpapalakas ng turismo sa Cebu at buong bansa.

Masaya ring ibinahagi ng kalihim ang pagtaas ngayon ng tourist arrivals sa Cebu at masasabing 100 percent na ito ngayong buwan ng Abril kumpara noong nakaraang taon.

Inihayag din nito na kinilala ang Mactan Cebu International Airport bilang pinakamahusay na paliparan sa ilalim ng 5-million arrival category.

Ang Mactan Island ay isang napaka makasaysayang isla sa probinsiya ng Cebu kung saan ang re-enactment sa ‘Kadaugan sa Mactan’ ay isang selebrasyon bilang paggunita sa tagumpay sa hari ng isla na si Datu Lapu-Lapu kasama ang kaniyang nasasakupan sa pagpapalayas sa mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan.

Sa naturang selebrasyon ay isinagawa rin ng pamahalaang lungsod ang pinaka unang “Sadsad sa Kadaugan” ang paligsahan ng isang sayaw na nagpapakita ng iba’t ibang istilo ng kaganapan sa Battle at Mactan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter