Enrile kay Cory Aquino: CTGs, pinakawalan niya lahat 

Enrile kay Cory Aquino: CTGs, pinakawalan niya lahat 

MAY bagong rebelasyon si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile patungkol sa isyu ng terorismo at insurhensiya sa bansa.

Sa kaniyang lingguhang programa sa SMNI na Dito sa Bayan ni Juan ay inihayag ni Enrile kung paano lumalala ang awayan sa Pilipinas.

Pilipino kapwa Pilipino, nagpapatayan.

Ito aniya yung panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, noong panahong binuo ang 1987 Constitution.

“‘Yang constitution na ‘yan, ang karamihan ng mga gumawa niyan ay makakaliwa,’ ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Saad pa ni Enrile, diktador kung umasta noon si Cory at ang gobyerno nito’y nagbigay daan sa pag-abuso sa Saligang Batas.

“‘Yung mga middle group, yung mga on the right side ay katatapos lang noong EDSA eh at saka diktador noon si Cory ay hindi sila kumibo. Kaya sinaksakan nang sinaksakan itong kasalukuyang 1987 Constitution ng kung ano-ano na mga probisyon para humina ang democracy sa ating bansa,” dagdag ni Enrile.

Aniya, sinadya umano na pahinain ang 1987 Constitution pabor sa mga kaaway ng gobyerno.

Lalo na ani Enrile yung mga butas sa party-list system.

Magugunita na naunang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ginagawang backdoor ng CPP-NPA-NDF ang mga party-list.

Tinukoy niya ang mga party-list na Gabriela, ACT-Teachers at Kabataan bilang mga front ng makakaliwa.

“‘Hihina ang gobyerno ng Pilipinas, para maisulong nila yung plano nila na agawin ang gobyerno at sila ang magiging gobyerno sa Pilipinas. Weaken your enemy to sieze power. Ay kita mo ang party-list, ano ba yan?,” ayon pa kay Enrile.

At sa Cory administration, giit ni Enrile na napakawalan ang Moro National Liberation Front MNLF at CPP ni Joma Sison.

Bagay na maling desisyon na ginawa ni Aquino.

“Nakulong lahat sila pero pinakawalan lahat ni Cory. Kaya lahat kako dahil both MNLF and CPP pinakawalan niyang lahat eh pinabalik niya si Nur Misuari sa Pilipinas, pinag-meetingan namin yon sa Malacañang, buhay pa si Joker Arroyo, siya ang Executive Secretary. Andoon si Ramos, kung sino-sino… Norberto Gonzales, Pimentel, kung sino-sino, si Butch Aquino. Ako lang ang komontra, sabi ko kay Cory, huwag na ninyo pabalikin ay hindi. Pinabalik niya, at hindi lang… Pinuntahan niya sa Sulu! At the Town of Jolo. At anong ginawa ni Misuari? Pinaghintay niya si Cory sa Silong ng kanyang bahay,” ani Enrile.

Diin pa ng beteranong opisyal, ang maling desisyon noon ni President Cory ang dahilan kung bakit andito pa rin ngayon ang problema ng bansa sa MNLF at insurhensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter