Enrile, pabor sa panukalang proteksyunan si dating Pangulong Duterte vs ICC

Enrile, pabor sa panukalang proteksyunan si dating Pangulong Duterte vs ICC

TAMA ang hakbang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa isinulong nitong panukala na pagbibigay ng proteksyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y kaugnay sa nais na imbestigasyon ng ICC dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao dahil sa war on drugs ng dating administrasyon ni FPRRD.

Giit ni Enrile, tama ang ginawa ni Arroyo habang ang paghahain naman ng kaso sa naturang international organization ay gastos lamang.

Binigyang-diin pa ni Enrile, ang pagbabanta ni dating Pangulong Duterte sa mga kriminal at ang pagpapatupad nito sa batas kontra iligal na droga at kriminalidad ay bahagi lamang ng mandato ni Duterte bilang Pangulo ng bansa para tiyakin ang seguridad ng sambayanan.

Bukod pa dito, ipinunto rin ni Enrile na ang International Law ay batas ng mga makapangyarihang bansa lamang.

Tulad na lamang ng bansang Amerika na labis na tinututulan ng Russia at China.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter