Enrile, pinuna ang importasyon ng sibuyas; Pagpapagod ng mga magsasaka, mababalewala lang

Enrile, pinuna ang importasyon ng sibuyas; Pagpapagod ng mga magsasaka, mababalewala lang

PINUNA ni dating Senate President at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile ang importasyon ng sibuyas.

Sa kanyang programa sa SMNI News, inihayag ni Enrile na kayang magproduce ng mga magsasakang Pilipino ng kinakailangang sibuyas ng buong bansa.

Giit pa ni Enrile, kailangan lamang ng suporta ng gobyerno sa mga magsasaka para hindi mababalewala ang pagod ng mga ito.

Iminungkahi rin ni Enrile na mainam na hikayatin ang mga Pilipino na magtanim ng sibuyas at magtakda ng presyo dito para magkaroon ng stability sa merkado at maiwasan ang importasyon.

 

Follow SMNI News on Twitter