Enrollment para sa SY 2021-2022, aarangkada na ngayong araw

Enrollment para sa SY 2021-2022, aarangkada na ngayong araw

SISIMULAN na ngayong araw ng Department of Education (DepEd) ang enrollment para sa School Year (SY) 2021-2022.

Ito ay bubuksan sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan sa bansa na magtatagal hanggang ika-13 ng Setyembre.

Una na ring inilabas ng DepEd ang official calendar and activities para sa School Year 2021-2022.

Blended learning pa rin ang ipatutupad ng DepEd sa pagsisimula ng klase sa Setyembre 13, 2021 na magtatapos naman sa Hunyo 24, 2022 batay na rin sa inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga pribadong paaralan naman at ang mga State/Local Universities and Colleges (SUCS/LUCS) na nag-aalok ng basic education ay pinapahintulutan na magbukas ng klase sa ilalim ng RA 11480 o isang batas upang pahabain ang kalendaryo ng paaralan mula sa 200 araw hanggang sa hindi hihigit sa 220 araw ng klase.

Sa ilalim ng inilabas para sa SY 2021-2022 na guidelines, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasagawa ng full scale o kahit partial na face to face classes maliban na lang kung papahintulutan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

SMNI NEWS