DepEd, nag-aalok ng Online Summer Camp para sa mga kabataan

DepEd, nag-aalok ng Online Summer Camp para sa mga kabataan

NAG-AALOK ang Department of Education (DepEd) ng online summer camp para sa mga kabataan.

Sa nasabing online summer camp, maaaring makapag-enjoy ang mga kabataan sa aspeto ng arts and crafts, music, theater, photo editing at robotics simula Hulyo 19 hanggang Agosto 28.

Tuturuan din ang mga kabataan ng Free Remedial Programs sa math at english, public speaking, app development at iba pa.

Inisyatibo naman ito ng Information and Communications Technology Service- Educational Technology Unit ng DepEd.

Maaaring sumali ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbisita sa Facebook page ng DePEd EdTech Unit at sa YouTube channel ng DepEd Philippines.

Ang naturang aktibidad na tinawag na ETUlay Summer Camp ay available simula Lunes hanggang Sabado, alas nuwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ang pasukan ngayong taon ay magsisimula naman sa Setyembre 13.

 

 

SMNIE NEWS