TINIYAK ng Energy Regulatory Commission (ERC) na matatapos sa loob ng anim hanggang walong linggo ang imbestigasyon sa nangyaring malawakang power outage o brownout sa isla ng Panay.
Ito ang sinabi ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta matapos bumuo ng grupo ng mga technical expert na tututok sa imbestigasyon sa insidente.
Matatandaan na nangyari ang apat na araw na malawakang brownout sa Panay Island noong nakaraang linggo kung saan isinisi ng Department of Energy (DOE) sa National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) ang insidente.
Una na ring nagkaroon ng malawakang power outage sa Panay at sa ilang bahagi ng Negros Occidental noong Abril 2023.
Itinakda sa darating na Huwebes, Enero 11 ang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa naturang apat na araw na islandwide brownout sa Panay.
&