Erik Matti, nakipagpulong kay Vilma Santos para sa gagawin nitong pelikula

Erik Matti, nakipagpulong kay Vilma Santos para sa gagawin nitong pelikula

NAKIPAGKITA at pulong ang critically-acclaimed director na si Erik Matti kay Star for All Season at veteran actress na si Vilma Santos para sa gagawin nitong pelikula.

Ibinahagi mismo ni Matti sa kaniyang official Instagram account ang pagkikita nito kung saan inamin din ng direktor na isa siyang Vilmañan at pangarap niya nang makatrabaho ang beteranang aktres.

Si Matti ang nasa likod ng mga award winning at critically acclaimed films gaya ng “Honor Thy Father”, “Buybust”, at “On The Job” Series.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang ianunsiyo mismo ni Santos na gagawa ito ng pelikula kasama ang beteranong aktor at long time screen partner nitong si Christopher de Leon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter