Erika Santos nilisan na ang PLDT High Speed Hitters

Erika Santos nilisan na ang PLDT High Speed Hitters

NILISAN na ng opposite hitter na si Erika Santos ang PLDT High Speed Hitters matapos ang tatlong taon na paglalaro para sa koponan.

Sa isang mensahe sa kaniyang social media, sinabi ni Erika na bagamat isang karangalan ang ilang taong paglalaro niya para sa PLDT, ay panahon na rin na magsimula siya ng panibagong kabanata.

Si Erika ang isa sa katuwang ng top scorer ng PLDT na si Savi Davison.

Sa buong 2024–2025 PVL All-Filipino Conference, rank No. 13 rin siya matapos makakuha ng 134 overall points.

Nasa ikaapat naman siya sa rankings ng spiking department na may 34.74 percent success rate.

Dahil dito, si Kianna Dy na lang ang natitirang opsyon ng PLDT para sa opposite hitter na posisyon ngayong nagbabalik na siya mula sa higit isang taong rehabilitasyon matapos magkaroon ng knee injury.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble