Erwin Tulfo, ganap nang naiproklama bilang 3rd nominee ng ACT-CIS

Erwin Tulfo, ganap nang naiproklama bilang 3rd nominee ng ACT-CIS

GANAP nang naiproklama si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo bilang 3rd nominee ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay matapos mairesolba ang disqualification case laban kay Tulfo.

Matatandaang inihain ang diskawalipikasyon laban kay Tulfo noong Pebrero 28, 2023 dahil sa issue ng citizenship at moral turpitude na siyang dahilan para isuspinde ng COMELEC ang proklamasyon nito matapos mag-resign si Jefrey Soriano bilang 3rd nominee ng ACT- CIS.

Pero ang petisyon ay binasura ng COMELEC 2nd Division dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon dahil nai-file ang petisyon 9 na buwan matapos ang proklamasyon ng ACT-CIS.

Batay sa COMELEC Rules, dapat mai-file ang petisyon bago ang proklamasyon para ito ay madesisyunan ng Komisyon.

Ang petitioner laban kay Tulfo ay naghain ng motion for reconsideration pero ito ay hindi pa rin kinatigan ng COMELEC.

Sa proklamasyon, kasama ni Tulfo si Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS 1st nominee Edvic Yap.

Pinasalamatan ni Tulfo ang COMELEC sa mabilis na pagdinig at pagpapalabas ng ruling sa petisyon.

Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga sumuporta sa kaniya maging ang mga kumuwestiyon sa legalidad ng kaniyang pagkakaluklok sa puwesto.

Ayon kay Tulfo naging blessings in disguise ang naihaing disqualification case laban sa kaniya.

Ayon kay Tulfo, ganap na niyang magagawa ang kaniyang tungkulin bilang kongresista.

Isa sa mga magiging pet bills nito sa Kamara ay ang mabigyan ng trabaho ang mga senior citizen at mga persons with disabilities (PWDs).

Balak ding iparebyu ni Tulfo ang batas para sa kapakanan ng mga solo parents.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter