MAGPAPADALA ang Estados Unidos ng karagdagang P950 milyon para sa mga nasalanta ng typhoon Odette.
Ayon sa US Embassy sa Manila, ipapadaan nila ito sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).
Ilalaan ito para sa pagkain, tubig, sanitation at hygiene programs.
Maaari rin itong gamitin bilang shelter assistance ng mga nasalanta.
Sa kabuuan, mahigit isang bilyong piso na ang tulong na mula sa Estados Unidos dahil nauna na rin itong nagsabi ng halagang P50-M na tulong.
Kung matatandaan, agarang nagbigay ng p10 milyon ang Estados Unidos pagkatapos nanalasa ang bagyo.