IPINAGMALAKI ng aktres na si Dolly de Leon ang kaibigan na si Eugene Domingo.
Saad ni Dolly, bago niya matamasa ang maganda nitong karera sa showbiz ay naging sandigan nito ang komedyante.
Aniya, isang totoong kaibigan si Eugene Domingo dahil hindi siya iniwan sa panahong walang-wala siya.
Naibahagi pa nito na si Uge ang nagbayad ng tatlong taong tuition ng kaniyang anak dahil napatigil niya ito nang wala na siyang pera.
Sa ngayon, isa nang tanyag na artista si Dolly kung saan siya ang kauna-unahang Pilipina na na-nominate sa Golden Globe at British Academy for Films and Television Awards (BAFTA).