PINAGMUMULTA ng NBA ng 25-K dollars si Evan Fournier ng Detroit Pistons.
Kasunod ito sa pagsipa niya ng bola papunta sa mga manonood.
Nangyari ang insidente nang matalo ang Pistons kontra Miami Heat sa iskor na 104-101 sa naging laro nila nitong Marso 18, 2024, Philippine Time.
Nagsimulang maglaro para sa Pistons si Fournier noong nakaraang buwan kung saan dahil dito ay nalipat si Bojan Bogdanovic sa New York Knicks.