Ex-BuCor Chief Bantag, sinampahan ng panibagong kaso

Ex-BuCor Chief Bantag, sinampahan ng panibagong kaso

NAHAHARAP sa panibagong kaso si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at 7 iba pa matapos silang sinampahan kanina ng reklamong plunder, malversation of public funds, katiwalian, at paglabag sa code of conduct.

Ito ay kaugnay sa 900 milyon pisong halaga na mga proyektong pagtatayo ng pasilidad sa Davao, Palawan at Leyte.

Pineke umano ang accomplishment report kung saan sa Palawan ay 93% na ang bayad pero 57% pa lang tapos, sa Davao 95% nang bayad pero 59% pa lamang ang nagagawa at sa Leyte 80% nang binayaran ng gobyerno ngunit 47% pa lamang ang naitatayo.

Pinangunahan mismo ni BuCor OIC Gregorio Catapang ang paghahain ng reklamo sa DOJ laban kay Bantag, Corrections Technical Supt Arnold Guzman at 6 na tauhan ng BuCor.

Sinabi naman ni Atty Al Perera, Legal Counsel ng BuCor na may hiwalay na reklamo pa silang ihahain laban sa mga kasapi ng umano’y isa pang Bids and Awards Committee na binuo ni Bantag na labag sa mga patakaran.

Ito na nag ika-apat na reklamong isinampa ng BuCor laban kay Bantag.

Follow SMNI NEWS in Twitter