IBINAHAGI na ang schedule poster para sa nalalapit na debut single ng former NCT member na si Lucas.
Bagamat, Abril 1, 2024 ang album at music video release, magsisimula na sa Marso 26, 2024 ang paglalabas ng teaser images.
Ito ang kauna-unahang music comeback ng singer simula nang mag-hiatus ito noong 2021 dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya.
Bago naman ang nakatakdang debut single na may pamagat na “Renegade” ay nagkaroon na ng two-part documentary noong Pebrero si Lucas.