HINATULAN ng 22 taon na pagkakakulong ang ex-Proud Boys leader na si Enrique Tarrio dahil sa nangyaring riot sa U.S. Capitol noong Enero 6, 2021.
Si Tarrio ay nahatulan ng seditious conspiracy dahil sa pagtulong para i-organize ang pagsali ng far-rights group sa riot.
Matatandaan na mahigit sa isanlibong tagasuporta ni dating President Donald Trump ang sumugod sa Congressional Building habang sinisertipikahan ng mga mambabatas ang pagkapanalo ni Joe Biden sa eleksiyon.
Humingi naman ng paumanhin si Tarrio sa mga pulis at residente ng Washington dahil sa nangyari.
Bukod dito, hinatulang guilty din si Tarrio ng obstruction and conspiracy charges, civil disorder at pagsira sa ari-arian ng gobyerno.
Samantala, mahigit 1,100 katao rin ang naaresto dahil sa nangyaring riot sa Kapitolyo ng US.