Exhibit na Handa Pilipinas, pormal nang binuksan

Exhibit na Handa Pilipinas, pormal nang binuksan

PORMAL nang binuksan ngayong araw sa publiko ang exhibit na Handa Pilipinas: Innovations for Disaster Risk Reduction and Management 2023 (Luzon Leg) na may temang “Risk Reduction in Mega Cities”.

Ang nasabing exhibit ay pinangungunahan at proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) na ginaganap sa World Trade Center, Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City.

Ang tanggapan ng Manila LGU’s ay isa sa mga naimbitahan upang itampok ang mga maipagmamalaking kagamitan nito pagdating sa pagresponde at paghahanda sa anumang mga sakuna o kalamidad, agarang atensiyong medikal at iba pang mga insidente.

Ilan lamang sa mga ito ay ang “The Manila Project”, mga weather cameras, apparatus sa pagresponde ng mga sunog, at advance medical equipments gaya ng zoll semi-automatic external defibrillator, resuscitation system, LUF 60, water filtration, at iba pa.

Layunin ng nasabing exhibit na maipakita at maipaliwanag sa bawat isa ang mga kagamitan at ang mga paghahanda na isinasagawa ng bawat institusyon na may kinalaman sa paglilimita ng mga sakuna o kalamidad.

Ito’y bilang pakikiisa na rin ng tanggapan sa National Disaster Resilience Month na may temang “Bidang Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-Being Towards Disaster Resilience”.

Bukas ang nasabing exhibit mula ngayong araw, Hulyo 27-29, 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble