Experto, nakakita ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 dahil sa bagong variants na nakapasok na sa bansa

Experto, nakakita ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 dahil sa bagong variants na nakapasok na sa bansa

NAKIKITA ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na magkakaroon ng konting pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ito ay pagkaraang ma-detect na nakapasok na rin sa bansa ang CH.1.1 at ang XBB.1.5.

Sinasabing ang mga ito ay highly transmissible at resistant sa mga antibodies.

Ang XBB.1.5 ay sublineage ng XBB Omicron variant habang ang CH.1.1 ay sublineage naman ng BA.2.75 Omicron variant.

Ayon kay Solante, ang maaring tamaan nito ay ang mga indibidwal na walang updated vaccine o yaong mga hindi na nagpapaturok ng booster dose.

Follow SMNI NEWS in Twitter