KALAT na sa 29 na bansa ang sinasabing super variant na XBB. 1.5.
Sa Amerika, ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, mabilis ang pagkalat ng XBB. 1.5 doon.
Tumaas daw agad sa lagpas 40% ang kaso ng naturang Omicron subvariant sa nasabing bansa sa loob lamang ng buwan ng Disyembre.
“Now, the data from USCD indicated that this subvariant, has a rapid growth, advantage over the ongoing variants, na nakikita nila nyo, why because, nakikita nila sa data, during the first week, of December, among this subvariant, na nakita nila doon sa US is around 1% but at the end of last week of December nagiging 41 percent na so meaning mataas talaga, rapid increase in the cases, that means a lot because, mabilis ang pagtaas ng mga kaso that means na mataas ang hawaan. In terms of transmissibility meron siyang advantage,” ani Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases Expert.
Ayon kay WHO’s Technical Lead on COVID-19 at Epidemiologist na si Maria Van Kerkhove, ang XBB. 1.5 ay ang pinakatransmissible na uri ng Omicron subvariant na kanilang na-detect.
Asahan na raw ang wave of infection sa buong mundo pero hindi raw ito nangangahulugan na magkakaroon ng maraming mamatay dahil patuloy aniyang gumagana ang mga countermeasures.
“We do expect further waves of infection around the world, but that doesn’t have to translate into further waves of death because our countermeasures continue to work,” ayon kay Maria Van Kerkhove, WHO’s Technical Lead on COVID-19.
Ang XBB. 1.5 ayon kay Solante ay descendant ng XBB AT XBB.1.
Sa ngayon wala pang kaso nito sa Pilipinas pero tila hindi na malayong magkaroon na nito sa bansa.
“Wala pa tayong XBB. 1.5 based on the last report of Philippine Genome Center, but if you can remember, last September, and October nakitaan na natin dito sa atin na meron na tayong XBB so which means of the other XBB. 1.5 and medyo magkalapit lang yan in terms of how,” ani Solante.
Ayon kay Solante, mas transmissible ang XBB. 1.5 at immune evasive.
“This XBB.1.5 ay nakitaan doon sa may data na mataas ang infinity niya, mas mabilis siyang kumakapit sa receptor ng cells natin sa katawan, so ibig sabihin mas mabilis siyang kumakapit, sa lalamunan, sa parangeial area, mas mataas din siyang nakakahawa,” dagdag ni Solante.
“This is immune evasive, ibig sabihin kahit meron ka nang bakuna or proteksyon galing doon sa antibody na nadevelop natin before, we can still get the infection kasi doon sa petition niya sa area niya na pwede siya na makalampas at ma-infect pa rin despite all of this antibodies,” aniya pa.
Ilan aniya sa mga sintomas ng XBB. 1.5 ay ang pagkakaroon ng masakit na lalamunan, sipon, konting ubo, at lagnat.
Pero hindi raw kagaya ng Delta, hindi ito nakakapagdulot ng matinding epekto o di kaya’y hospitalisasyon.
“If you compare this with the Delta, the Delta variant has been considered as the most variant, mas mataas ang namamatay, mataas ang severe which is very unlikely sa mga Omicron subvariant,” aniya.
Sa kabila nito, naniniwala si Solante na sapat pa rin ang ating health protocol lalo na sa mga paliparan.
Kailangan lang aniya matutukan ang mga unvaccinated na pumapasok sa bansa.