INALIS na ng Cebu Pacific ang expiration sa travel fund.
Kung noon nasa anim na buwan lamang ang balido ng travel funds, ngayon ay maaring gamitin ng mga pasahero bilang virtual wallet.
Sa pamamagitan nito maaari nang magbayad ng bagong bookings o mag add-on sa hinaharap nang walang anumang hadlang sa oras.
Bukod pa dito pinalawig na rin ng Cebu Pacific ang validity ng voucher.
Ibig sabihin, magiging valid na ngayon ang mga travel voucher sa loob ng 18 buwan, kumpara sa nakaraang anim na buwan na magbibigay-daan sa mga pasahero ng mas maraming oras na gamitin ang mga ito para sa pag-book ng mga flight.