Exploratory talks sa CTGs, kinuwestiyon sa founding day nito

Exploratory talks sa CTGs, kinuwestiyon sa founding day nito

KINUWESTIYON sa founding day ang exploratory talks sa Communist Terrorist Groups (CTGs).

Tahimik ang Metro Manila sa ika-55 na paggunita ng pagkabuo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Kaya ang mga lugar sa Metro Manila na madalas silang mag-rally, ay tahimik sa CPP anniversary.

Nagdeklara naman ng dalawang araw na unilateral ceasefire ang CPP sa lahat ng mga yunit ng armed wing nito na New People’s Army (NPA) sa buong Pilipinas.

Sa deklarasyon ng CPP, sinimulan nito ang naturang tigil-putukan pasado alas-12:01 ng madaling araw- Disyembre 25 hanggang alas-11:59 ng gabi Disyembre 26.

Pero ayon sa dating Kadre na si Ka Eric, hindi dapat paniwalaan ang taktikang ito ng CPP-NPA-NDF.

Lalo na dapat hindi ito pagkatiwalaan ng pamahalaan sa tinatawag na exploration talks.

Kasabay ng pagkuwestyon sa sinseridad ng grupong deklaradong terorista ng pamahalaan.

“Saan nating dadalhin ang usapang pangkapayaan? Exploratory talks man o kaya actual terms of peace talks kapag wala pong disarmament, demobilization and re-integration at dismantling of the NPA, delikado po ang perspective na yan,” wika ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Dating NPA Kadre.

Diin ni Celiz na kung sinsero ang CPP sa peace talks ay dapat na nitong lusawin ang armed wing na NPA.

Ang NPA na kumitil sa buhay ng libu-libong sibilyan at mga kawal ng pamahalaan.

“Ulitin ko, hangga’t hindi po nagkakaroon ng categorical declaration ang Communist Party of the Philippines na bibitawan at lalansagin nila ang NPA, napaka-delikado po ang mga pag-uusap na walang balangkas ng totoong kapayapaan,” ayon pa kay Celiz.

Para naman sa mga retiradong PMAEr, kalokohan ang exploratory talks ng administrasyon.

Sa panayam sa SMNI News, sinabi ni retired Army Captain at Scout Ranger na si Dado Enrique, hindi na dapat pang pagbigyan ang mga salot na communist terrorist groups.

“I understand where the President and all these Congressmen are coming from. Let’s give peace a chance-laging ganon. Pero ako, paninindigan ko, we have come to a point na from 25,000 na regulars panahon pa nila Cory, Ramos and then is now down to 1,800 I think that’s the figure, 1,800 regulars. At marami na ang sumuko… thousands! So peace talks o ‘yung exploratory talks is a stupid thing to do!,” ayon kay Ret. Clemente ‘Dado’ Enrique (RET), Baron, PMA Class of ’83.

Saad ni Enrique, andiyan na ang NTF-ELCAC dala ang good governance bilang panapos sa mga kalaban ng gobyerno.

At mula noon sa kanilang panahon hanggang ngayon, wala aniyang saysay ang makipag-usap sa mga ito.

“Teka muna andami nang namatay diyan! Andaming nasayang na buhay diyan! Yung iba naming mga kasamahan? Patay! Hindi nakatikim ng pagtanda! 28-anyos, patay! Yung mga batang naging biktima niyan? Patay! Ano, gusto pa ba nating dagdagan? Tapusin na natin!” ani Enrique.

Isa lamang si Enrique sa libu-libong PMA upperclassmen na kumondena sa mga negosasyon sa makakaliwa.

Sa kasakuluyan, mismong si VP Sara Duterte na ang nagsabi na walang mapapala ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa mga ito.

“Mga kababayan, gusto kong malaman ninyo na ang tanging layunin ng CPP, NPA, at NDFP ay sirain ang pundasyon ng ating demokrasya, pabagsakin ang mga institusyon ng pamahalaan, at kaladkarin tayo sa kahirapan, kaguluhan, at kawalan ng hustisya,” pahayag ni Vice President Sara Duterte, Republic of the Philippines.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble