Facebook representatives, hindi na puwedeng manatili sa Cambodia

Facebook representatives, hindi na puwedeng manatili sa Cambodia

INANUNSIYO ni Prime Minister Hun Sen na hindi na bukas ang Cambodia para sa Facebook representatives.

Ang anunsiyo ay kasunod ng pahayag ng Facebook na ita-take down nito ang video ni Hun Sen na nagbabanta sa mga kalaban nito.

Ayon kay Prime Minister Hun Sen, wala siyang intensiyon na i-ban ang Facebook sa Cambodia at hindi umano nito tatanggalin ang platform sa bansa pero ang mga kinatawan nito sa bansa ay hindi na maaari.

Hindi naman nagkomento ang Meta ukol rito at hindi rin nagpahayag kung ilang representatives ang mayroon ito sa Cambodia.

Kasunod nito ay idinelete naman ni Hun Sen ang kaniyang Facebook account ilang oras matapos ang babala ng meta na maaaring maharap ito sa anim na buwang ban dahil sa kontrobersyal na video sa mga kalaban nito.

“I have decided to stop using Facebook, on which I have more than 14 million followers. I have requested my assistant to delete my Facebook account immediately. And I will also inform the company to delete my name from Facebook,” ayon kay Prime Minister Hun Sen, Cambodia.

Kaugnay rito, hinikayat naman ni Hun Sen ang mga Cambodian na lumipat na sa ibang social media platforms kabilang na ang Telegram at Tiktok na ginagamit nito ngayon.

Sa kasalukuyan ay mayroong higit 800-K followers sa Telegram ang punong ministro ng Cambodia.

Follow SMNI NEWS in Twitter