NAGBIGAY donasyon sa domestic relief organization na Hope Pebble ang fandom ni Haechan ng K-pop boy group na NCT.
Bilang pagdiriwang ito sa kaarawan ng artist ngayong araw, Hunyo 6, 2024.
Nagkakahalaga ng 600, 000 won ang donasyon sa ilalim ng fandom name na “Woorichil Haechandalgeul”.
Gagamitin naman ang donasyon para sa araw-araw na pangangailangan ng mga kabataan at teenagers mula sa vulnerable groups sa South Korea.
Sa kabilang banda, hindi lang fandom ng artist ang may philanthropic act dahil nakailang donasyon na rin mismo si Haechan.
Ang pinakahuli ay noong Agosto 2023 para sa wildfire victims sa Maui, Hawaii.