Fertilizer at seed subsidy para sa mga magsasaka, kailangan mai-release nang maaga

Fertilizer at seed subsidy para sa mga magsasaka, kailangan mai-release nang maaga

KAILANGAN mai-release nang maaga ang fertilizer at seed subsidy ng pamahalaan sa mga magsasaka.

Ito ang sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Engineer Rosendo So sa panayam ng SMNI News.

Ani So, ito ang paraan upang maiwasang umabot muli sa 80 hanggang 90 pesos ang kada kilo ng bigas na nangyari noong taong 2018.

Hinggil naman sa plano ng National Food Authority (NFA) na mag-import ng bigas, binigyang-diin naman ni So na hindi na ito kailangan.

Aniya, mayroong rice grain dryers ang bansa na maaaring gamitin ng NFA para sa mga bibilhing bigas mula sa local farmers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter